ZPPO may 14 na active cases ng covid-19 ngayon

Kinumpirma ng Zambales Police Provincial Office na may kasalukuyan pang mga pulis nito ang positibo sa corona virus disease.

Ayon kay ZPPO Director Pcol. Romano Cardiňo, sa ngayon ay mayroong labing-apat na aktibong kaso ang ZPPO mula sa pitumpung confirmed cases.

Ang kanilang hanay sa lalawigan ng Zambales aniya ang may pinakamaraming infected ngayon ng covid-19 sa buong Police Regional Office.

Nitong nakalipas na araw aniya ay pumalo pa sa labingsiyam ang aktibo pero sa ngayon ay labing-apat na lamang matapos makarekober ang lima.

Paalala ng director sa publiko na sundin ang mga ipinatutupad na protocols dahil walang pinipili ang virus kahit ang mga otoridad ay tinatamaan dahil na rin sa uri ng kanilang trabaho na kadalasan ay iba’t ibang tao ang nakakasalamuha.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of one or more people and text that says 'Para sa mas maginhawang araw! SHOP NOW! Lazada Power Cells 6 in Salabat Herbal Mix Ginger Brew Û. www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *