20 panibagong kaso at 2 pagkasawi naitala sa Camarines Norte nitong weekend

CAMARINES NORTE- Umakyat na sa 676 ang kabuuang bilang ng naitatalang kaso ng COVID-19 SA Camarines Norte nitong weekend

Ang aktibong kaso ng sakit sa lalawigan ay umakyat na sa 262 matapos na muling makapagtala ng 20 panibagong kaso na nagmula sa mga bayan ng: Daet na may 5; may tig-a-apat na panibagong kaso naman ang naitala sa bayan ng Labo, Talisay at Vinzons, may dalawang kaso na naitala sa Sta. Elena at may isang kaso ang bayan ng Paracale

Nananatili naman sa 381 ang bilang ng mga nakarekober sa sakit

Samantala, umakyat na sa 32 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa Camarines Norte matapos na muling makapagtala ng 2 kaso nitong nakatalikod na sabado

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *