200 bagong recruits ng PRO 12, nanumpa na

KORONADAL CITY- PINANGUNAHAN ng Police Regional Office (PRO) 12 ang induction ng 200 bagong recruit na mga pulis sa Soccsksargen region na pumasa sa masusing selection process ng Regional Recruitment and Selection Unit.

Napag-alaman na sa 2,236 na mga aplikante, 200 lamang ang matagumpay na nakapasok sa 2023 Attrition Quota Recruitment program.

Ang mga ito ay binubuo ng 138 na lalaki at 62 na mga babae. Pagkatapos ng oath-taking, ang mga recruits ay isasailalim sa anim na buwang Public Safety Basic Recruit Course na siyang simula ng kanilang transformative training at paghahanda upang kaharapin ang mga hamon sa pagpapanatili ng public safety at pagpapatupad ng mga batas na may kakayahan at dedikasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *