200 pesos na dagdag ayuda ng gobyerno sa mga mahihirap na pamilya, kulang

Kulang na kulang ang dalawandaang pisong dagdag ayuda na balak ibigay ng gobyerno sa mga mahihirap na pamilya,

Ayon kay Samuel ng Magalang at isang tricycle driver, mahirap pagkasyahin ang 200 pesos na ayuda kada buwan dahil sa sobrang taas ng mga bilihin sa ngayon, na sinabayan pa ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Sa hirap din anya ng buhay ngayon, hindi rin maiwasang mangutang sa 5-6 sina Samuel para lang matustusan ang gastusin ng kanyang pamilya lalo na’t meron pa umano syang mga anak na estudyante.

Maalalang inirekomenda ng Department of Finance o DOF at inaprobahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 200 pesos monthly subsidy para sa mga mahihirap na pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *