Fuel subsidy para sa mga tsuper, hindi sapat ayon sa STOP

Hindi sapat ang 6,500 pesos na fuel subsidy para sa mga jeepney driver, ayon yan sa Samahan ng mga Tsuper at Operators na tutol sa Phase out o STOP.

Ayon kay Dan Yumul ng STOP, lugi pa rin silang mga tsuper kahit na may alalay ng fuel subsidy mula sa gobyerno.

Mas mainam pa rin anya kung suspendihin na lang ng gobyerno ang excise tax sa mga produktong petrolyo.

Gayunpaman pinapasalamatan pa rin nila ang programang pantawid pasada ng LTFRB, at hiling din nila na maisama at mabigyan na rin ng fuel subsidy ang iba pang nasa transport sector tulad ng mga tricycle at bus driver.

Matatandaang sinabi ng LTFRB na anumang oras, papasok na sa cash card ng mga tsuper at operators ang 6,500 pesos na fuel subsidy bilang pang alalay sa patuloy nap ag sirit ng presyo ng produktong petrolyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *