21 patay, 106 na-rescue sa nangyaring hotel siege sa Somalia

Umabot sa 21 na tao ang nasawi habang na-rescue ng mga otoridad ang 106 na tao matapos ang 30-oras na siege sa isang hotel sa Somalia na sinalakay ng mga militante.

Ayon sa report, natapos sa magdamag ang labanan bago nabawi ng mga otoridad ang Mogadishu Hayat hotel.

Sinabi ni Somali police Commander Abdi Hassan Mohammed Hijira na natapos ang nakakagulat na insidente na kumitil sa buhay ng maraming inosente.

Posible namang mas mataas pa ang bilang ng mga nasawi sa nasabing pagsalakay dahil may ilang biktima ang nakuha na ng kanilang pamilya bago pa man ang official count ng mga otoridad.

Samantala, matindi ang tinamong pinsala ng hotel dahil sa matinding bakbakan sa pagitan ng security forces at mga suspect.

Inako ng Islamist militant group na al-Shabab ang responsibilidad sa naturang pag-atake

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *