Anak ng Russian philosopher na kaalyado ni Putin, patay sa car bombing incident

Patay ang anak na babae ng isa sa pinakamalapit na kapanalig ni Russian President Vladimir Putin sa nangyaring car bombing.

Ayon sa report, namatay si Darya Dugina, 29 anyos sa nangyaring pagsabog sa isang kalsada sa labas ng Moscow Russia.

Kaugnay nito, umugong ang mga anggulong ang ama ng biktima na si Russian philosopher Alexander Dugin na sinasabing “brain” ni Putin ang talagang target ng pagpapasabog.

Napag-alamang magkasama sina Dugin at anak nito sa isang festival malapit sa Moscow kung saan nagbigay ng lecture ang philosopher noong Sabado ng gabi.

Magkasama dapat umano na aalis ang mag-ama nang magpasya itong bumiyahe nang hiwalay sa kanyang anak.

Hindi makapaniwala si Dugin sa sinapit ng anak habang pinapanood ang emergency services sa nasusunog na sasakyan. Sa inisyal na imbestigasyon, inilagay ang pampasabog sa ilalim ng sasakyan na mismong ang biktima ang nagmamaneho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *