22 mga bata sa So.Cot, tinamaan ng COVID 19

KORONADAL CITY- NANANAWAGAN si South Cotabato Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr sa mga magulang na proteksyunan ang kanilang mga anak laban sa COVID 19.

Ito’y matapos lumabas sa datos mula noong Enero 1 nitong taon na may 22 mga bata na ang na-admit sa ospital dahil sa moderate hanggang severe case ng COVID 19.

Aniya, hindi din dapat hayaan ang mga bata na gumala-gala kahit saan lalo na kung walang face mask.
Muli namang nanawagan si Aturdido sa mga nabakunahan na huwag maging kampante dahil posible pa rin ang mga itong tamaan ng mild case ng COVID 19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *