21 Recovering Drug Dependents sa Kor. nagtapos sa After Care Program

KORONADAL CITY – 21 mga Recovering Drug Dependents (RDDs) ang matagumpay na nagtapos sa 18-buwang masinsinang pagpapasailalim sa Aftercare Program (ACP).

Labing-apat sa mga RDDs ang nabigyan ng livelihood assistance bilang panimulang kapital sa kanilang mga napiling negosyo.

Ang Aftercare Program ay isang libreng serbisyo ng pamahalaang lokal sa ilalim ng City Anti-Drug Abuse Council na may layunin na tuluyang mapagaling ang mga nalulong sa droga. Tinutulungan silang umangkop sa pang-araw-araw na buhay sa komunidad, pagkatapos makumpleto nang mas maaga ang yugto ng paggamot at rehabilitasyon.

Nagbibigay ito ng pagkakataong matugunan ang mahahalagang isyu at problemang nauugnay sa pag-iwas at relapse para sa tuloy-tuloy na pagbabago.

Napag-alamang ang pagtatapos ng mga RDDs nitong ika-21 ng Enero ngayong taon sa Barangay Zone I Gymnasium.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *