23 opisyal mula sa Burdeos at Sampaloc, Quezon, naaksidente sa Cagayan De Oro

Sugatan ang ilang mga konsehal mula sa Burdeos at Sampaloc, Quezon matapos umanong  mawalan ng preno ang sinasakyang minibus ng mga ito sa Cagayan de Oro City nitong Miyerkules, Abril 17.

Sakay ng nasabing sasakyan na 11 konsehal mula sa Sampaloc, Quezon habang 12 naman sa Burdeos, Quezon kabilang ang Vice Mayor ng bayan na si Gina Gonzales.

Samantala, agaran namang ni-rescue ang mga sugatan at isinugod sa hospital para sa agarang lunas.

Napag-alaman na ang mga opisyales ay nasa pangalawang araw na umano noon ng pagdalo sa seminar ng Philippine Councilor’s League – Quezon Chapter.

Kasalukuyang nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa aksidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *