24-anyos na FilAm – patay sa pamamaril sa Los Angeles

Patay sa pamamaril ang isang Pilipino sa Los Angeles sa gitna ng pagdiriwang ng New Year’s Day.

Kinilala ang biktima na si Andrei “Nico” Gianan, 24-anyos.

Ayon sa ulat, binaril si Gianan sa ulo sa 1400 block ng 11th Street bandang ala-1 ng umaga matapos ang kanyang shift sa trabaho.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Los Angeles Sheriff’s Department sa nangyari sa Pinoy.

Naglunsad naman ang kaanak ng biktima ng online fundraising activity para makadagdag sa gastusin ng kanilang pamilya, kung saan umabot na ang nalikom na pera sa $17,000.

Napagdesisyunan din ng mga ito na maging organ donor ang biktima.

Sa ganitong paraan daw ay mao-honor nila ang buhay ng binata, at magpapatuloy ang kaniyang buhay, sa pamamagitan ng pagtulong sa ibang nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *