Bilateral meeting nina PBBM at Indonesian President Widodo, naging produktibo

Naging produktibo ang bilateral meeting nina Pangulong Bongbong Marcos at Indonesian President Joko Widodo kaninang umaga.

Sa joint press briefing, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na nagkasundo sila na muling pagtibayin ang bilateral relation kasabay ng ika-75 taong anibersaryo ng diplomatic relations.

Kabilang sa mas palalakasin pa ng Pilipinas at Indonesia ay ang kooperasyon sa political at security matters, kung saan binanggit din ang katatapos na Joint Commission for Bilateral Cooperation o JCBC.

Samantala, sinaksihan din ng dalawang lider ang paglagda sa memorandum of understanding o MOU, kabilang ang MOU para sa energy cooperation, Science and Technology, at ang may kinalaman sa economic potential ng BARMM.

Dagdag pa ni Marcos, na nagkaroon din sila ng mabunga at tapat na talakayan ni Widodo hinggil sa mga development sa South China Sea at ASEAN cooperation at initiatives.

Kapwa rin nanindigan ang dalawang Presidente sa universality ng 1982 UNCLOS o United Nations Convention on the Law of the Sea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *