240 guro sa Camalig, Albay nabakunahan na sa COVID-19

BICOL—Umaabot na sa 240 na mga guro sa north at south districts ng Camalig, Albay ang nabakunahan na ng COVID-19 vaccine.

Katumbas ito ng 30.7% ng kabuuang populasyon ng mga guro sa nasabing bayan.

Ayon sa lokal na gobyerno, target ng vaccination team na mabakunahan ang nasa  455 na mga guro sa mga susunod na linggo.

Kaugnay nito, nagpulong na ang LGU at mga district supervisors ng north and south school districts sa bayan para sa pagbabakuna sa mga teaching at non-teaching staff.

Ito ay alinsunod na rin sa DepEd Memorandum Circular No. 28, s. 2021 kung saan binibigyang-diin ang partisipasyon ng educational sector sa pagpapatupad ng national vaccination program.

Sa ginawang dayalogo, tinalakay ang plano ng DepEd, alokasyon ng bakuna na magmumula sa Department of Health (DOH) at ang schedule ng pagbabakuna sa mga teaching at non-teaching staff.

Ang Municipal Health Office (MHO) ang siyang mangunguna sa vaccine rollout bilang main augmentation force ng lokal na gobyerno sa pagpapatupad ng responsive Coronavirus (COVID-19) prevention and control efforts.

Magugunita na mula sa B1 ay iniakyat sa A4 category ang mga guro salig sa Resolution No. 110, s. 2021 ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) noong Abril 15, 2021.

Ayon sa LGU Camalig, ang pagbibigay prayoridad sa mga teaching at non-teaching staff sa vaccine rollout ay bahagi ng kanilang commitment sa pagtaguyod ng kaligtasan at proteksyon ng educational workforce at maging ng mga estudyante sa gitna ng COVID-19 pandemic.### ||slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *