29 na mga RPUWDs sa Balay Silangan, isasailalim sa TESDA training

KORONADAL CITY- ISASAILALIM sa training ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA Region 12 ang 29 na mga Recovering Persons Who Used Drugs o RPWUDS sa Balay Silangan Reformatory Center sa bayan ng Tupi.

Ang mga ito ay sasailalim sa Cookery NC II o Bread and Pastry Production NC II upang magkaroon ng dagdag at bagong kaalaman at kasanayan.

Ang Balay Silangan Reformatory Center ay isang pasilidad para sa mga nahaharap sa kasong may kaugnayan sa iligal nga droga na pumasok sa plea bargaining agreement at inisyuhan ng ng court order na ilagay dito.

Sa naturang pasilidad, isinasailalim ang mga RPWUDS sa moral recovery program, life skills, livelihood programs, continuing education at values formation.

Samantala, nagpapatuloy din ang pagsasanay ng TESDA sa mga inmates sa

South Cotabato Rehabilitation and Detention Center (SCRDC) na nakasentro sa training kaugnay sa agrikultura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *