Seguridad sa SoCot prov’l jail, mas hinigpitan

KORONADAL CITY — MAS hinigpitan pa ng South Cotabato Rehabilitation and Detention Center o SCRDC ang seguridad sa loob at palibot ng South Cotabato Provincial Jail.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Lory Celeste Jail Warden ng SCRDC, sinabi nito na maglalagay sila ng dagdag na mga CCTV cameras sa palibot ng jail.

Sa susunod na taon, nakatakda din umano silang magtayo ng tatlong guard post sa mga area of concern sa loob ng nabanggit na bilangguan.

Ito ang hakbang ng provincial jail matapos naulit ang panghahagis ng pinaniniwalaang shabu sa loob ng provincial jail noong nakaraang linggo.

Umaabot umano sa 20 grams ang inihagis na illegal na droga na nagkakahalaga ng P136,000.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *