2M pondo para sa palayukan, aprubado na ng DOST

SORSOGON CITY – Aabot sa P2M ang pondo na inaprubahan ng Department of Science and Technology (DOST) Bicol para sa pagsasanay sa ‘Improved Pottery Making’ sa bayan ng Gubat Sorsogon.

Sa pahayag sa Brigada News FM-Sorsogon ni  Gubat Municipal Agriculturist Yolly Partiarca, sinabi nito na ang naturang proyekto sa ilalim ng Community Empowered Through Science and Technology (CEST) ay inilapit mismo ng kanilang opisina sa DOST.

Ayon kay Patriarca, pangunahing resipyente ng proyekto ang mga pottery makers sa Brgy. Paradijon Gubat, kung saan higit 20 indibdiwal ang mabibigyan ng tulong pangkabuhayan sa nasabing proyekto.

Samantala, bukod sa tulong pangkabuhayan maisusulong rin ng proyekto  ang turismo sa nasabing bayan sa pamamagitan ng mga produktong lokal katulad ng palayukan.

PHOTO grabbed from Paradijon Pottery fb page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *