3 dam sa Luzon, patuloy na nagpapakawala ng tubig bilang paghahanda sa Bagyong Kiko

Patuloy na nagpapakawala ng tubig ang tatlong dam sa Luzon, ito’y bilang bahagi pa rin ng paghahanda sa pinangangambahang paghagupit ng Bagyong Kiko sa Northern Luzon.

Ayon sa PAGASA–Hydro-Meteorological Division, kabilang sa mga dam na nagpapakawala ng tubig ay ang Ipo Dam, Ambuklao Dam at Binga Dam.

Sa Ipo Dam, nananatiling bukas ang isang gate habang dalawang gate naman ang bukas sa Ambuklao Dam at tatlong gate sa Binga Dam.

Samantala, nananatili namang mababa pa ang lebel ng tubig sa iba pang dam sa Luzon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *