Bicol region nagtala ng panibagong record high single day COVID-19 cases; total cases mahigit 28k na

BICOL—Naitala ng Bicol region ang panibagong record high COVID-19 cases sa loob ng isang araw na umabot sa 433 kung kaya pumalo na sa 28,150 ang kabuuang kaso ng sakit sa rehiyon.

Pinakamaraming bagong kaso ang naitala sa lalawigan ng Masbate na umabot sa 162 kung saan 36 nito ay mula sa Masbate city, 28 sa Milagros, 16 sa Cawayan, tig 15 ang Mandaon at Mobo, 13 sa Aroroy, siyam sa Cataingan, tig-anim sa Batuan at Palanas, lima sa San Jacinto, tig aapat sa Claveria, Placer at San Fernando at isa sa Uson.

106 ang bagong kaso sa Camarines Sur kung saan 19 nito ay mula sa bayan ng Pili, 15 sa San Fernando, 12 sa Naga City, 11 sa San Jose, pito sa Canaman, anim sa Ragay, lima sa Bato, tigtatatlo sa Goa, Minalabac, Tinambac at Iriga City, tigdadalawa ang Buhi, Calabanga, Nabua, Pasacao at Tigaon at tig-iisa ang Balatan, Bombon, Bula, Cabusao, Camaligan, Lagonoy, Milaor, Ocampo at Siruma.

Ang Sorsogon ay may 72 bagong kaso kung saan 37 nito ay mula sa Sorsogon City, pito sa Donsol, lima sa Prieto Diaz, tigtatalo ang Bulan, Bulusan, Casiguran, Gubat, Juban at Matnog, tigdadalawa ang Irosin at Magallanes at isa sa bayan ng Pilar.

51 ang bagong kaso sa Albay kung saan 20 nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, siyam sa lungsod ng Ligao, lima sa Polangui, apat sa Tabaco, tigdadalawa ang Guinobatan, Oas at Pio Duran at tig-iisa ang Bacacay, Daraga, Libon, Malilipot, Manito, Sto. Domingo at Tiwi.

Ang lalawigan ng Camarines Norte ay nagtala ng 42 panibagong kaso kung saan 12 nito ay mula sa bayan ng Daet, 12 rin sa bayan ng Labo, lima sa Paracale, tatlo sa Vinzons, tigdadalawa ang Basud, Jose Panganiban, Mercedes at Talisay at tig-isa ang San Lorenzo Ruiz at Sta. Elena habang zero new positive case naman ang islang lalawigan ng Catanduanes.

Samantala, pumalo na sa 21, 118 ang total recoveries matapos na makapagtala ng 147 na mga bagong gumaling kung saan 50 nito ay mula sa Camarines Sur at 50 rin sa Masbate, 26 sa Sorsogon, 20 sa Naga City at isa sa Catanduanes.

Pumalo na rin sa 981 ng death toll matapos madagdagan ng apat na panibagong nasawi kung saan tatlo nito ay mula sa Sorsogon at isa sa Camarines Sur.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalaala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *