3-Day surgical mission ng CVMC sa Isabela, matatapos na ngayong araw

Matatapos na ngayong araw ang isinasagawang surgical mission ng Cagayan Valley Medical Center sa Gov. Faustino N. Dy (GFNDy) Memorial Hospital, City of Ilagan, Isabela.

Ayon sa Isabela PIO, kabilang sa serbisyong ginagawa ng CVMC ay ang Operation Cleft Lip, Operation Cataract, Operation Bukol at tradisyunal na Operation Tuli.

Una rito ay umabot na sa 151 boys ang sumailalim sa operation Tuli at nabigyan rin ang mga ito ng libreng gamut.

Apat naman na pasyente mayroong cleft conditions ang sumailalim sa cleft lip surgeries.

Matagumpay naman ang cataract operation ng  anim na indibidwal habang nasa 44 cataract check-ups ang naisagawa na upang maiwasan ang paglabo ng paningin at pagkabulag ng mga pasyente.

Samantala, 255 na pasyente kabilang na ang 50 na indibiwal na dumaan sa Operation Bukol ang naserbisyuhan sa unang araw ng nasabing surgical mission.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *