3 indibidwal na nakuhanan ng mga putol na kahoy, hinainan na ng kani-kanilang warrant of arrest

Arestado ang tatlong indibdiwal makaraang hainan ang mga ito ng kani-kanilang mandamiento de aresto sa Brgy Bibincahan, Sorsogon City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Ron Ely Dreu, 24-anyos; Rex Andrade Malachico, 28-anyos at Jam Jam Ducay Jalmasco, 21-anyos lahat laborer at pare-parehong nakatira sa nasabing barangay.

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng RTC Br 53, 5th Judicial Region, Sorsogon City sa kasong paglabag sa section 68 ng PD 705 o ang Revised Forestry Code of the Phils. Na may itinakdang piyansa na P24K bawat isa.

Una rito, ang tatlo ay naaktuhan ng mga operatiba ng Sorsogon City Police Station na nagsasagawa ng pagpapatrolya na nagtatambak ng mga putol na kahoy noong Hunyo 4 sa Brgy Guinlajon, Sorsogon City.

Narekober sa posesyon ng mga ito ang 60 na pirasong kahoy mula sa puno ng Bilwang.

Ang PD 705 ay patungkol sa pagprotekta ng kagubatan at kakahuyan sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *