3 mangingisda narescue sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Masuwerteng nakaligtas ang tatlong sakay ng bangkang de motor na mga residente ng Lagonoy , Camarines Sur.

Ayon kay San Isidro , Lagonoy Punong Barangay Divine Cledera, aksideneng nabutas ang bangka ng tatlong residente nila kasama na ang siyam na taong gulang na bata nitong Sabado.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Jessie Ann, asawa ng mangingisdang si Jerick Araojo, apat na oras na raw silang nagpalutang-lutang. Nanalangin na sana ay makaligtas. Hanggang sa may nakita silang  motorized bangka. Hindi tumigil ang kaniyang asawa sa pagkampay o pagtawag gamit ang kapirasong styrofoam upang makita sila.

Mabuti na lamang , kahit may kalayuan napansin nina Jayson Delos Reyes Kapitan ng Caloco, Tinambac parehong lalawigan , linapitan sila at narescue.

Samantala, tinatayang limang oras  hinila ang bangka pabalik ng San Isidro. Pinag-iingat ni Cledera ang mga mangingisda, bukod sa pagtitiyak na maayos ang panahon, gayundin dapat ang sasakyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *