72-anyos na lola, sasabak din sa Miss Universe Argentina-Buenos Aires 2024

Kamakailan lamang ay isa na namang lola ang sasabak para umawra, rumampa at umariba sa mundo ng pageantry.

Ito’y matapos opisyal nang tinanggal ng Miss Universe Organization ang age limit sa naturang kompetisyon.

Siya si Iris Amelia Alioto, isang guro ng sayaw, artista at isang modelo.

Sasabak lang naman ang 72-anyos na lola sa isang Regional Pageant at kung papalarin  ay maaaring maging kinatawan siya ng Miss Universe Argentina.

Matatandaan na nitong nakaraan lamang, napag-alaman din na sasabak din sa sa kaparehong patimpalak ang 69-anyos na si Jocelyn Cubales o kilala din bilang  Joyce Penas Pilarsky sa bansang Pilipinas.

Kung sakaling mananalo ay irerepresenta niya naman ang Quezon City sa Miss Universe Philippines.

Ganunpaman, iba’t ibang reaksiyon pa rin ang natatanggap ng mga kandidata mula sa mga netizen.###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *