3 paaralan sa Masbate pinayagan na magsagawa ng pilot testing face to face classes, ayon sa Deped Bicol

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Department of Education (DEPED) Bicol na tatlong paaralan na lamang sa Lalawigan ng Masbate ang pinayagan na magsasagawa ng Pilot Testing face to face classes sa Nobyembre 15, 2021.

 Ayon kay Mayflor Jumamil, ang Regional Information Officer ng nasabing tanggapan, binawasan ng isang paaralan na magsasagawa sana ng face to face classes matapos may nag positibo sa covid 19. Aniya, nagkaroon umano ng pagtaas ng kaso ng nasabing sakit ang hindi pinayagan na paaralan.

 Isa sa basic requirements na magsasagawa ng face to face classes ay kailangan nasa low risk area o walang kasong naitatala ng naturang sakit. Umaasa rin ang tanggapan na hindi na makakapagtala pa ng panibagong kaso ng covid 19 ang isang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *