3 patay matapos nahulog ang jeep sa bangin sa Baao, Camarines Sur

NAGA CITY- Patay ang tatlo katao, matapos ma mahulog sa bangin ang jeep sa Baao , Camarines Sur.

Sa ulat ng PNP, nangyari ang aksidente sa boundary ng San Vicente at Antipolo bandang alas 11:30 ng tanghali nitong Martes, papunta sana sa gaganaping kasal ngayong araw ang mga lulan ng sasakyan kung saan kasama dito ang groom pati na ang ina nito.

Subalit sa kasamaang palad, nakasalubong ng aksidente sa daan pagkatapos na mahulog ang jeep sa bangin , napag-alaman na mula sa Barangay Caranday ang jeep patungo sa direksyon ng Poblacion Baao.

Sinasabing nawalan ng preno ang sasakyan habang binabaybay ang pabulusok na parte ng lugar kung saan minamaneho ito ni Municipal Councilor  Benjamin Blanquera.

Nagtulong-tulong ang mga personahe ng PNP, MDRRM, PSO at iba pa pati mga residente upang maalis ang jeep  sa malalim na bangin at mailigtas ang mga sakay.

Pero ang masaya sanang araw ay nababalot ng dalamhati, tatlo ang nasawi , sina Margarita Zoilo ,61 taong gulang, ina ang lalaking ikakasal;  Ester Bustinera mga residente ng Barangay Caranday at isang 16 taong gulang na babae na kinilala sa pangalang Maycel ng Barangay Sta. Terisita.

Ayon kay PSMS Marvin Santos, tagapagsalita ng PNP-Baao, nasugatan ang groom na si Marvin Zoilo at 29 pang  iba mga edad 8 hanggang 68 taong gulang. Hinihintay pa nila ang pinal na desisyon ng pamilya ng mga nasawi sa malagim na aksidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *