Klase sa ilang kolehiyo sa Bicol umpisa na ngayong linggo; flexible at blended learning tuloy — CHED

SORSOGON CITY—Kinumpirma ni Commission on Higher Education (CHED) Bicol Focal Person for Vaccination and Face to Face Classes Program Dr. Pamela Viñas na karamihan sa mga State Universities at Colleges sa Bicol region ay nakapagsimula na ng kanilang pasukan.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon sinabi ni Viñas na katunayan, noong araw pa ng Lunes, August 8 ay marami ng mga paaralan sa kolehiyo ang nagbukas at asahan pa umano na mas marami pa sa mga ito ang magbubukas sa susunod na linggo hanggang September 15.

Kaugnay nito ay sinabi ng opisyal na patuloy pa ring ipinatutupad ang flexible at blended learning lalo pa at wala naman umanong inilabas na kautusan ang komisyon na nagmamandato sa face to face classes ngayong school year 2022-2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *