3 sa mga driver sa Subic na isinalang kahapon sa surprise at random drug testing nagpositibo

Nagpositibo ang tatlo sa mga drivers na isinalang kahapon sa surprise at random drug testing na isinagawa sa Subic sa ilalim ng Oplan Harabas.

Ayon kay PDEA Zambales Provincial Officer Agent Jigger Juniller, dalawa ang nagpositibo sa paggamit ng shabu at isa naman ay marijuana.

Kinumpiska umano ang lisensya ng mga ito ng Land Transportation Office at sasailalim sa rehabilitation program.

Sasalang naman sa confirmatory test ang specimen ng mga nagpositibo bilang bahagi ng proseso.

Matatandaan na kahapon ay nasorpresa ang mga tricycle drivers at ilang jeepney drivers na umabot sa 150 ang bilang sa Subic sa isinagawang random drug testing para matiyak na malinis sa ipinagbabawal na droga ang mga nagmamaneho ng mga pampublikong sasakyan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text that says 'Dower Cells Masarap SOYA COFFEE Araw-arawin! Yung sinusubok ang budget mo pero naniniwala ka lang na God Will Provide" www.lai.ain www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *