Mga nagbuwis at nag-aalay ng buhay para sa bansa, binibigyang pugay ngayong Araw ng Kagitingan

NAGA CITY- Ginugunita ngayong araw , Abril 9 ang ika-80 na Araw ng Kagitingan.

April 9, 1942 pormal na sumuko ang mga sundalong Pilipino at Amerikano sa mga Hapones sa Bataan. Hindi matatawaran ang ipinakitang katapangan ng mga sundalo. Pilipinas ang huling sumuko sa mga Hapon noong World War 2.

Sa kasalukuyang panahon , marami rin ang buhay na magigiting. Kinikilala ng bansa ang kagitingan ng mga health care workers pati mga nagtatrabaho sa health care facilities ngayong pandemya. Gayundin ang mga guro na na hindi napigilan ng COVID-19 pandemic sa pagganap ng kanilang sinumpaang tungkulin. Kasama pa ang mga pulis, sundalo at mga force multiplier na nagpapanatili ng kapayapaan.

Para kay LtCol. Clark Dalumbar, Commander ng 83rd Infantry Battalion, 9th Infantry Division Philippine Army maliban sa mga nabanggit , magiting ding maituturing ang mga barangay officials hindi lamang sa usaping pandemya kundi sa insurgency.  Salaysay pa sa Brigada News FM Naga , nakaantabay din ang mga opisyal ng barangay upang maprotektahan ang mga residente laban sa mga rebeldeng grupo.

Sa araw na ito binibigyang pugay ang mga magigiting na Pilipino na nagbuwis at nagbubuwis ng buhay para ipagtanggol ang Inang Bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *