3 senior citizens, kabilang sa 10 bagong tinamaan ng COVID-19 sa Catanduanes

BNFM BICOL–   Muling nakapagtala ng sampong panibagong kaso ng COVID-19 ang islang lalawigan ng Catanduanes, batay sa inilabas na report ng Department of Health-Bicol, kahapon.

Kabilang sa mga bagong tinamaan ng sakit ang tatlong senior citizens, edad 77, 71 at 69-anyos.  Lima sa mga bagong nag positibo ang mula sa bayan ng Virac; tatlo sa bayan ng San Miguel habang tag-isang kaso ang mga bayan ng Bagamanoc at San Andres.

Bunsod nito, pumalo na sa 1,284 ang bilang ng kumpirmadong kaso sa isla kung saan 229 sa mga ito ang aktibong kaso.

Nakapagtala naman kahapon ng walong panibagong mga gumaling kung kaya’t nasa 1,044 na ang COVID-19 recoveries sa lugar habang wala namang naiulat na panibagong nasawi kung kaya’t nananatili sa 11 ang death toll ng sakit sa probinsya batay sa tala ng ahensya.

Kaugnay nito, patuloy ang paalala ng Provincial Health Office sa mga Catandunganon na sundin ang mga umiiral na health protocols, at makiisa sa nagpapatuloy na vaccination roll out.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *