30 km boulevard na magdudugtong sa 5 bayan sa Camarines Norte nakaprograma na- DPWH

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na naka programa na ang 30 kilometer- boulevard na magdudugtong sa limang bayan sa lalawigan ng Camarines Norte.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni District Engineer Edwin Bermal na ang natatapos pa lang sa ngayon ay nasa walong kilometro ng Cory Aquino Boulevard na nagdudugtong sa Talisay, Daet at Mercedes.

Target umano dito na idugtong ang Paracale, Vinzons at hanggang sa Basud.

Tungkol naman sa isyu ng pansamantalang pagpapatigil ng expansion ng Cory Aquino Boulevard sa Mercedes dahil sa ilang mga isyung dapat resolbahin, sinabi ni Bermal na napag usapan na nila ang bagay na ito kasama ang mga opisyal ng naturang bayan.

Ayon kay Bermal, walang madi- displace na informal settlers dahil binaba nila ng apat na metro ang proyekto o inilihis sa orihinal na plano.

Maliban sa mga informal settlers nakaligtas rin ang Police Community Precinct sa Barangay San Roque na kung itinuloy ang orihinal na plano ay tiyak na aabutin.

Sabi ng opisyal, nagbigay na lamang aniya ng kunsiderasyon sa mga informal settlers na maapektuhan dahil na rin sa kinakaharap na krisis dulot ng pandemya.

Pero nauna nang sinabi ng Lokal na Pamahalaan ng Mercedes na may proyekto man o wala ay talagang ire- relocate ang mga nasa danger zone at mayroon na ring paglilipatan sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *