Pilipinas at US, tinitingnan ang posibilidad ng kolaborasyon sa vaccine manufacturing at distribution

Inaalam na ng mga gobyerno ng US at Pilipinas ang posiblidad ng kolaborasyon sa vaccine manufacturing at distribution sa gitna ng limitadong suplay ng COVID-19 vaccine sa gitna ng pandemya.

Sa isang pahayag, ay sinabi ng embahada ng Pilipinas sa Washington na nag-organisa ito kamakailan ng virtual forum kasama ang gobyerno ng US.

Layon nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga pharmaceutical at logistics companies na matutunan ang mga bagay na may kinalaman sa tools at products na available sa US International Development Finance Corp. (DFC) at sa US Trade and Development Agency (USTDA).

Dagdag ng embahada, ito ay upang masuportahan ang kanilang paglago at expansion plans sa buong vaccine development, manufacturing, at distribution value chain.

Dumalo rin sa nasabing forum ang mga opisyal ng Philippines’ Board of Investments, Department of Health, Department of Science and Technology, Food and Drug Administration, at mga participants mula sa pribadong sektor.

Binigyang diin ni Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na importanteng makabuo ang bansa ng domestic capacity na magtitiyak sa vaccine self-reliance nito sakaling magkaroon muli ng pandemya sa hinaharap.

Inihayag naman ni USTDA regional director for Indo-Pacific, Verinda Fike na sa dami ng natatanggap nilang demand sa bakuna, ay nais nilang makatrabaho ang gobyerno ng Pilipinas para makapag-set up sila ng opisina sa US Embassy sa Manila bago matapos ang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *