31st Infantry Battalion may bago ng commander

SORSOGON CITY – Pormal nang umupo bilang bagong commander ng 31st Infantry Battalion si Ltc Marlon P. Mojica matapos ang isinagawang Change of Command Ceremony noong Lunes, Agosto 9 sa headquarter ng naturang batalyon sa Brgy Rangas, Juban, Sorsogon.

Ang simpleng seremonya ay pinangunahan ng commanding general ng 9th Infantry Division na si MGen Henry A. Robinson Jr.

Pinalitan ni Mojica si Ltc Eric H. Culvera na itatalaga sa mas mataas na posisyon sa Punong Headquarter ng 9th Infantry Division sa Pili Camarines Sur.

Si Culvera ay nagsilbing commander ng nasabing batalyon sa loob ng mahigit dalawang taon. Sa kanyang panunungkulan, ang batalyon ay nagawang mabisa at mahusay na naisakatuparan ang mga misyon at gawain na iniatas ng ‘higher headquarters.’

Sa panahon din ni Culvera ay nabuwag ang Larangan 1, Komite Probinsyal 3 na naging dahilan para masungkit nito ang titulong ‘’Best Infantry Battalion 2021’’ sa mga batalyon sa lugar ng operasyon ng Southern Luzon Command (SOLCOM).

Nagpasalamat naman si Mojica sa komandante ng dibisyon para sa pagtitiwala at kumpiyansa na ipinagkaloob sa kanya upang patnubayan ang timon ng isa sa mga ‘achiever battalion’ ng 9th Infantry Division.

Sinabi pa nito na ipagpapatuloy niya at marahil malampasan pa ang milyahe na nakamit ng batalyon at patuloy na itatayo ang motto nito na “Loved by the People, Feared by the Enemy and Respected by other Soldiers”.  

Si Mojica ay tubong La Union, proud member ito ng PMA Class 2000 at dating Ex-O ng 903rd Brigade bago ang kanyang pagkahirang bilang BatCom ng 31IB.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *