Bicol region nagtala ng 122 bagong kaso, 182 recoveries at 3 pagkasawi sa COVID-19

BICOL—Nadagdagan ng 122 na bagong kaso ng COVID-19 ang Bicol region kung kaya sumampa na sa 22, 174 ang total cases nito.

Pinakamaraming bagong kaso ang naitala sa Camarines Sur na may 51 kung saan 13 nito ay mula sa Naga City, siyam sa bayan ng Goa, anim sa bayan ng Pili, tiglima ang bayan ng Milaor at San Fernando, apat sa Iriga City, tatlo sa bayan ng Calabanga at tig-iisa ang mga bayan ng Bombon, Buhi, Cabusao, Nabua, Pasacao at Sipocot.

23 ang bagong kaso sa Camarines Norte kung saan pito ang mula sa bayan ng Daet, pito rin sa bayan ng Labo, tigtatlo ang bayan ng Sta. Elena at Talisay, dalawa sa bayan ng San Lorenzo Ruiz at isa sa bayan ng Capalonga.

22 ang naitala sa Sorsogon kung saan pito nito ay mula sa Sorsogon City, tig-apat ang bayan ng Matnog at Prieto Diaz, tatlo sa bayan ng Irosin, dalawa sa bayan ng Castilla at tig-isa ang bayan ng Bulan at Gubat.

Ang Albay ay may 14 na bagong kaso kung saan tatlo nito ay mula sa bayan ng Libon, tigdadalawa nito ay mula sa bayan ng Daraga, Guinobatan, Polangui at lungsod ng Legazpi.

Sampong kaso naman ang naitala sa Catanduanes kung saan apat nito ay mula sa bayan ng Bagamanoc, apat din sa bayan ng Gigmoto, at tig-isa ang bayan ng Viga at Virac.

Dalawang kaso naman ang nadagdag sa lalawigan ng Masbate na parehong mula sa bayan ng Monreal.

Samantala, pumalo na sa 18,408 ang total recoveries matapos na magtala ng 182 na mga bagong gumaling. 57 nito ay mula sa Albay, 36 sa Sorsogon, 31 sa Camarines Norte, 28 sa Naga City, 24 sa Masbate at anim sa Catanduanes.

Sumampa na sa 845 ang death toll matapos na magtala ng tatlong panibagong nasawi na mula sa mga lalawigan ng Albay, Camarines Norte at Camarines Sur.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.###  || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *