331 new covid-19 cases, naitala sa Isabela ngayong araw; aktibong kaso, halos pumalo na sa 3,000

Halos umabot na sa tatlong libo ang kabuoang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Isabela matapos muling makapagtala ng higit 300 na bagong kaso ngayong araw, September 6, 2021.

Sa datos na inilabas ng Isabela Provincial Information Office, naitala ang 331 new cases ngayong araw dahilan upang sumampa na sa 2, 919 ang total active cases sa probinsya.

Nasa 128 din ang bagong recoveries na naitala at nadagdagan naman ng 9 ang mga nasawi.

Samantala, ang Santiago City na nagsagawa ng simultaneous swab testing at Aggressive Community Testing ang nangunguna sa may pinakamataas na aktibong kaso sa buong lalawigan na mayroong 245 cases.

Sinundan naman ito ng Cauayan City na nakapagtala ng 213 active cases; Quezon at Angadanan na may 195; Cabagan na may 171 cases; Naguilian na may 159 cases; 158 naman sa bayan ng Tumauini; 147 cases ang Ramon at 105 ang bayan ng Alicia.

Ayon sa Isabela PIO, ang mga bagong kaso ay naitala batay sa sa latest available data mula sa Epidemiology Surveillance Unit ng region, probinsya at iba’t-ibang munisipalidad at syudad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *