35K mula sa 136K card holders, nabigyan na ng fuel subsidy

Papalo na sa 35,000 mula sa 136,000 na mga initial card holders ang nakatanggap ng kanilang P6,000 na fuel subsidy.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board executive director Maria Kristina Cassion, na inaasahan nilang makokompleto ng Land Bank of the Philippines ang pamamahagi hanggang bukas.

Sa gitna nito pinayuhan ni Cassion ang mga benepisyaryo na hindi pa nakakatanggap ng naturang halaga, na icheck ang kanilang accounts hanggang bukas.

Samantala, nasa proseso pa ang subsidiya para iba pang benepisyaryo gaya ng drivers at operators ng mga bus, tricycle, at delivery riders, dahil bahagi umano ang mga ito sa expanded program para sa fuel subsidy.

Kaugnay nito, inabisuhan ng opisyal ang mga bus companies na magbigay ng kanilang account numbers sa kani-kanilang LTFRB regional offices.

Para naman sa taxi cabs at transport network vehicle services, maglalabas umano ang mga LTFRB regional offices ng panuntunan sa mga sangay ng Land Bank, kung saan nila pwede iproseso ang kanilang fuel subsidy cards. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *