Vaccine czar: 75% mula sa 1.8-M target nabakunahan na 4th wave ng COVID jab drive

Ibinahagi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na nasa 1,400,889 COVID-19 vaccine doses na ang naibigay na 75% sa 1.8 million target sa fourth wave ng national vaccination drive.

Una nito, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na ang Bayanihan, Bakunahan IV ay extended sa ilang local government units at rehiyon.

Ang vaccination naman sa mga senior citizens ay extended hanggang bukas.

Sa gitna nito, sinabi ni Cabotaje na ang mag rehiyon na may mababang vaccination rates ay ang Bangsamoro Region at ilang probinsya sa Region XII.

Matatandaan na sinabi ng gobyerno na target nilang ma-fully vaccinate ang 77 million Filipinos laban sa COVID-19 hanggang sa katapusan ng Marso, at 90 million naman hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Duterte sa June 30. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *