36 pamilya, 119 indibidwal sa dalawang Barangay sa Basud inilikas dahil sa bagyong Karding

CAMARINES NORTE- Umaabot sa 36 na pamilya at 119 na indibidwal ang inilikas nitong araw ng Linggo mula sa dalawang Barangay sa Basud, Camarines Norte dahil sa bagyong Karding.

Batay ito sa inisyal na tala ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa naturang bayan.

Nasa 12 pamilya at 42 indibidwal ang inilikas sa Day Care at Tanod Office sa Barangay San Pascual habang 23 pamilya at 71 indibidwal naman ang inilikas sa Purok 1 Evacuation Center.

Isang pamilya at anim na indibidwal naman ang inilikas sa Barangay Mantugawe na dinala sa isang pribadong shelter.

Ang mga inilikas ay kinabibilangan ng mga bata, senior citizens at mayroong ding dalawang buntis.

Nag- repack naman ng bigas de lata at noodles ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office para ipamahagi sa mga evacuees.

Patuloy pa ang pangangalap ng datos ng MDRRMO kung ilang evacuees pa mayroon sa ibang barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *