1, 432 indibidwal nabakunahan kontra COVID- 19 noong nakaraang buong linggo

Umaabot sa 1, 432 indibidwal ang nabakunahan kontra COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte noong nagdaang buong linggo.

Batay ito sa datos ng Provincial Covid- 19 vaccination operation center mula September 19 hanggang 23.

Pinakamarami ang nabakunahan noong Biyernes na mayroong 396 at pinakakaunti noong Lunes na may 220.

Ang bayan ng Mercedes ang nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng nabakunahan na nasa 326 na sinusundan ng Daet na may 193 at Labo na may 173.

Nasa 132 naman ang mga nabakunahan sa Capalonga, Jose Panganiban 118, Sta Elena 100, Talisay 88, Paracale 47, San Lorenzo  Ruiz 33 at San Vicente 25.

Karamihan sa mga nagbapabakuna ay first booster at mayroon ding second booster.

Marami din ang nagpabakuna ng second dose at mayroon pa ring tumanggap pa lang ng first dose.

Pfizer at Sinovac ang brand ng ibinigay na bakuna sa nabanggit na bilang ng indibidwal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *