38 magic tricks sa ilalim ng tubig, isinagawa ng isang teenager magician sa loob lamang ng tatlong minuto

Isang teeneager magician na si Fisher ang kamakailan ay nakakuha ng Guinnes World record title dahil sa hindi lamang basta magic ang kaniyang ginawa dahil, ito’y isinakatuparan niya sa ilalim ng tubig sa paraan ng scuba diving.

Hindi lamang iyan, ‘pagkat hindi lang naman isa, dalawa o tatlo ang kaniyang itinanghal na magic tricks kundi aabot lang naman sa 38 acts.

Ngunit, ang nakahahanga pa rito ay nagawa niya ito sa loob lamang ng 3 minuto kung saan, napalitan niya rin ang dating may hawak ng titulong “Most Magic Tricks Underwater in Three Minutes” na si Martin Rees na mayroong 20 magic tricks noong 2020.

Ginawa umano ito ni Fisher upang ipaalam sa buong mundo at magising ang kanilang kamalayan patungkol sa marine conservation.###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *