4 na Militia ng Bayan, kabilang ang isang Barangay Kagawad at Tanod, sumurender sa SAF

Apat na miyembro ng Militia ng Bayan (MB) ng New People’s Army ang tuluyang tumiwalag sa kanilang hukbo at nagbalik loob sa pamahalaan.

Ang mga dating MBs ay kinabibilangan ng isang Barangay Kagawad, Brgy Tanod at dalawang magsasaka lahat pawang mga residente ng bayan ng Barcelona, Sorsogon.

Sumurender ang mga ito noong Lunes, Oktubre 24 sa Brgy Olandia ng nasabing bayan.

Kinilala lamang ang mga ito sa kanilang mga pangalan sa hukbo na sina alias Mike, 42 anyos, may asawa, Brgy Kagawad; alias Jay, 58-anyos, Brgy Tanod; alias Jun, 48-anyos at alias Noli, 46-anyos lahat mga miyembro ng L1, KomProb 3, BRPC sa ilalim ng pamumuno ng Celso Menguiz Command.

Tinulungan at pinamadali ang kanilang pagsurender ng pinagsanib na puwersa ng personahe ng 92nd SAF-SAC; SAF Commando Course 114-2021 bilang mga lead unit; 22nd IB BCoy; 2nd SPMFC; 504th RMFB5 PIU at Barcelona MPS.

Isasailalim ang mga ito sa proseso at dokumentasyon para mabigyan sila ng tulong tulad ng kabuhayan at iba pang benepisyo mula sa gobyerno sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o ECLIP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *