4 scholars ng Kabugwason, pasado sa Physician Licensure Exam

KORONADAL CITY- KINILALA at pinuri ng Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato sa pamamagitan ng isang resolution ang apat na mga scholars ng provincial government na pumasa sa Physician Licensure Exam.

Ang mga ito ay sina Dr. Charizza Mariebelle Cerveza, Dr. Kirstie Angelie Ponte, Dr. Jose Evangelista at Dr. John Ramel Rafael.

Ang apat ay mga scholars ng post graduate degree courses ng Kabugwason Paglaum Scholarship and Grant in Aid Program o KPSGIA.

Nakatakda ang mga itong imbitahan sa SP para sa awarding ng resolution o plaque of appreciation.

Inihayag ni Board Member Ester Marin Catorce, chairman ng committee on education ng SP at author ng naturang resolution na nagpaabot na ang mga ito ng intensyon sa Office of the Governor para sa kanilang return service sa lalawigan bilang mga scholars ng Kabugwason.

Sa kasalukuyan, ang South Cotabato ay mayroong 28 mga shcolars sa post graduate degree program na kinabibilangan ng 14 na kumukuha ng law at 14 sa medicine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *