400K sako ng palay, inaasahang maaani ngayong harvest season ng isang farmers cooperative sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Aabot sa 400k sako ng palay ang inaasahang maaani ngayong harvest season ng Oragon Farmers Agriculture Cooperative sa Libmanan, Camarines Sur.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Angelo Begino, ang lider ng nasabing kooperatiba kung saan sinabi pa nito na kahit ganyan kalaki ang inaasahan nilang ani, nakasisiguro pa rin sila na may maganda itong kalidad. Maswerteng hindi naman pinipeste ang kanilang pananim. Kung may mga problema man, tanging ang kakulangan lamang sa pinansyal na siyang ginagastos ng mga magsasaka na pambili ng mga abono.

Wala naman silang nagiging problema pagdating sa irigasyon. Aniya, magkaroon man, agad naman itong inaaksyunan ng National Irrigation Administration (NIA) Bicol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *