41-anyos na lalaki mula Gubat, Sorsogon panibagong Covid-19 fatality sa lalawigan

SORSOGON CITY – Muling nakapagtala ng casualty sa Covid-19 ang lalawigan ng Sorsogon.

Sa datos na ipinalabas ng Sorsogon Provincial Health Office (PHO), ang pinakahuling nasawi ay ang 41-anyos na lalaki mula sa Barangay Bulacao sa bayan ng Gubat.

Ito na ang ika-477 na fatalities ng probinsya dahil sa Covid-19.

Samantala, bahagya namang bumaba ang bilang ng aktibong kaso ng sakit sa lalawigan dahil sa anim na bagong recoveries habang wala ring mga bagong nagpositibo.

Sa ngayon ay nasa 31 ang aktibong kaso ng sakit sa buong lalawigan sa kabuuang 8,421 indibidwal na tinamaan ng nasabing sakit mula nang mag umpisa ang pandemic.#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *