Tulong PUSO Livelihood Assistance para sa mga OFWs ibinigay ng OWWA

Tinanggap ng mga Overseas Filipino Workers Family Circle sa Brgy, Buenavista Pura, Tarlac ang Tulong PUSO Livelihood Assistance mula sa Overseas Workers Welfare Administration.

Ito ay ang unang tranche ng tulong na nagkakahalaga ng animnapung libo piso.

Gagamitin ng mga benipisyaryo ang unang natanggap para ayusin ang iba pang mga kinakailangang documentary requirements at kapag natapos na ay saka ibibigay ang second tranche.

Ang Tulong PUSO ay programa ng OWWA na one-time livelihood grant na sumusuporta para sa mga proposed business plan ng grupo ng mga OFW na kinikilala ng Department of Labor and Employment, Cooperative Development Authority at Securities and Exchange Commission.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo: OWWA Central Luzon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *