450, 911 Cam Norteños rehistrado na sa PhilSys mula noong 2021

CAMARINES NORTE- Umaabot sa 450, 911 Cam Norteños ang rehistrado na sa step 2 registration ng Philippine Identification System (PhilSys) simula noong June 2021 hanggang November 30, 2022.

Ito ay makaraang makapagrehistro ngayong 2022 ng nasa 58, 476.

Noong huling linggo ng Nobyembre tinungo ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang malayo at bulubunduking Barangay ng Labo, ang Dumagman,g para magsagawa ng mobile registration kasabay na rin ng Gift- giving activities sa pakikipagtulungan ng PNP at Local Civil Registrar sa naturang bayan.

Nakapagrehistro ang PSA sa step 2 registration ng nasa 237 na indibidwal.

Nakamahagi rin ang ahensiya ng nasa 366 na ePhilIDs na pansamantalang gagamitin habang hinihintay ang Physical ID.

Nasa 330 clients din ang naserbisyuhan ng LCRO- Labo and PhilSys Birth Registration Assistance Project (PBRAP), kung saan 320 dito ay nakinabang sa Free issuance ng PSA copy of Birth Certificate at 10 naman ang late registration.

Patuloy ang ginagawang step 2 registration ng ahensiya at nagtutungo ang mga ito sa barangay mara mairehistro ang mga residente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *