450 corn farmers sa Camarines Sur nabigyan ng fuel subsidy ng DA Bicol

NAGA CITY- 450 na mga corn farmers ang nabigyan ng fuel subsidy ng Department of Agriculture (DA)- Bicol.

Ipinamahagi ang P3, 000.00 na Fuel Discount o  subsidy  sa mga magsasakang taga Baao, Pili, Ocampo at Bula. Sunod na batch ay mga magmamais sa  Iriga City, Bato at Buhi.

Magagamit ito sa pagbili ng petrolyo sa mga accredited gasoline stations. Apektado rin kasi ang mga magsasaka sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa ginagamit na mga makina tulad ng sa tractors, combine harvesters , corn shellers at ilan pa.

Pero hindi lahat nakakatanggap nito kailangan kasi  nakatala sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA)  o nakalista sa Farmers and Fisherfolk Registry System (FFRS).

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Emily Bordado, tagapagsalita ng DA Bicol, sinabing sa Camarines Sur ang Calabanga ang may pinakamalaking produser ng mais ngayon sa probinsya. Mahal ang yellow corn dahil marami ang demand sa feeds pero kailangan paring tinggan ang kanilang mga pangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *