48 na barangay sa City of Ilagan, isasailalim sa localized lockdown

Isasailalim sa localized lockdown ang 48 na barangay sa City of Ilagan simula alas 8:00 ng gabi ngayong araw, August 23, 2021 hanggang August 28, 2021.

Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng naitatalang aktibong kaso ng COVID-19 sa nasabing lunsod.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, batay sa naitalang datos kahapon, August 22, 2021 ay pumalo na sa 117 ang kabuoang aktibong kaso ng City of Ilagan.

Marami pa umanong indibdwal ang nagpositibo sa Antigen swab test na nakatakdang sasailalim sa RT-PCR test.

Nakasaad rin sa executive order no 44 na nasa 6.93% na ang average daily attack rate ng siyudad at umabot na sa 122.05 % ang naitalang 2-week growth rate mula August 8-22, 2021.

Ang pagsasailalim ng localized lockdown sa 48 na barangay sa siyudad ay makatutulong upang maiwasan ang pagtaas ng Covid-19 cases at mabawasan ang mabilis na transmission nito.

Limitado pa rin ang maaring paglabas ng mga apektadong residente at magpapatuloy ang curfew hours mula alas 8:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *