4th Impact – nagsalita na matapos ma-bash sa social media

Nagsalita na ang miyembro at ang panganay ng music group na 4th Impact matapos mabatikos sa social media.

Ayon kay Almira Cercado, pinili nilang tumahimik sa kabila ng mga natanggap nilang pangba-bash online at mga “akusasyong pinalaki at pinaikot-ikot para magmukha silang kontrabida.”

Matapos ring pag-isipan nang mabuti, nagdesisyon silang i-delete na lang ang donation drive at ibalik ang ibinigay sa kanilang pera.

Maalalang nagsimula ang isyu nang simulan ng 4th Impact ang isang GoFundMe campaign noong Pebrero na naglalayong makalikom ng USD100,000 o humigit-kumulang PHP6 milyon, para sa dreamland farm ng kanilang 200 shih tzus.

Mas lalo pang lumala ang batikos nang pumunta ang magkakapatid sa The Eras Tour ni Taylor Swift sa Amerika.

Depensa naman dito ni Almira, regalo ito sa kanila ng mga fans kaya sila nakapunta sa concert ng kanilang idol.

Muling pinagtibay ni Almira ang kanilang pangako na ipagpatuloy ang kanilang music career at hinimok na itigil na ang mga masasakit na komento at tumuon na lang sa pagiging positive sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *