5 ahensya ng gobyerno, tinanggal na sa 2024 proposed national budget

Kinumpirma ng House small committee na tinanggalan ng confidential funds ang ilang ahensya ng gobyerno kabilang na ang Office of the Vice President.

Ito ay bahagi sa ipinatupad na institutional amendments para sa panukalang 2024 budget.

Ang mga ahensya na tinggalan ng pondo ay ang Department of Education, Department of Agriculture, Department of Information and Communications Technology, at Department of Foreign Affairs.

Ayon kay Marikina Rep. Stella Luz Quimbo na unanimous ang kanilang desisyon na gawing zero budget ang CIF ng ilang ahensya ng gobyerno.

Dagdag pa niya na ang mga nasabing CIF ay ibibigay sa mga ahensya na karapat dapat.

Photo from: Stella Quimbo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *