QC nanatiling pinakamayamang lungsod sa PH

Muling idineklara ang Quezon City bilang pinakamayamang local government unit (LGU) sa bansa, na mayroong asset na mahigit P443 bilyon noong 2022.

Bagama’t mas mababa ng ilang bilyon kumpara sa P451B asset noong 2021, at P452B noong 2020, napanatili pa rin ng lungsod ang posisyon nito sa tuktok ng listahan.

Pumangalawa naman ang Makati City na may P239B asset, at sumunod ang Maynila na may asset na mahigit P77B.

Samantala, sa usaping lalawigan, ang Cebu ang nananatiling pinakamayaman sa bansa na may mahigit P235B asset.

Courtesy: KMC Savills

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *