5 LGU sa Sorsogon, wala pang local investment at incentive code

Kinumpirma ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Sorsogon na lima pang Local Government Units sa lalawigan ang wala pang Local Investment and Incentive Code o LIIC.

 Kabilang sa mga wala pang LIIC sa pangalawang quarter ng  2023  ay ang mga bayan ng Casiguran, Gubat, Matnog at Pto. Diaz, habang nagpapatuloy naman ang committee hearing sa LIIC ng bayan ng Sta. Magdalena.

Ang LIIC ay tumatalakay sa mga Local na Investment Policies, Programs, mga Investment Priority Areas o IPAs at Local Incentives o mga programana may kaugnayan sa taxed o non taxed inducements o mga grants o ang tinatawag na fiscal at non fiscal ng mga LGUs.

Samantala, sa 15 LGU sa lalawigan, tanging ang Bayan ng Sta. Magdalena ang under review sa Sanggunian Panlalawigan ang Local Revenue Code o mga polisiya ng LGU pagdating sa local taxation.

Ang LIIC at LRC ay parehong requirement ng DILG sa isinagawang Regional Validation para sa Seal of Good Local Governance o SGLG.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *